Pahirapan ang naging pag-rescue ng awtoridad sa mga biktima na nahulog sa 100 metrong lalim na bangin sa Pagbilao, Quezon.
LABING ANIM na pasahero ang sugatan nang mahulog ang pampasaherong jeep na sasakyan ng mga ito sa 100 metro ang lalim sa bangin sa Pagbilao, Quezon, Miyerkoles ng madaling araw.
Sa imbestigasyon, bumangga muna ang sasakyan sa barrier bago mahulog sa Zigzag Road sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.
Galing umano sa kasalan ang mga biktima sa San Jose, Camarines Sur, ayon kay Police Col. Joel Villanueva, director of Quezon Police Provincial Office, nang maganap ang aksidente.
Pauwi na sa Dasmariñas, Cavite ang mga biktima nang mahulog sa bangin.
Nabatid pa na nawalan umano ng preno ang sasakyan nang bumangga sa barrier at magtuloy-tuloy sa bangin.
Pahirapan din ang pag-rescue sa mga biktima dahil sa malalim na bangin at nababalot pa ng dilim ang paligid.
Ang mga biktima, kabilang ang driver na si Ronnel Francia, ay isinugod sa Quezon Medical Center sa Lucena City.
Kabilang sa mga pangalan ng biktima na inilabas ng Police Regional Office-4A ay sina:
Benz Jomar Fuentes, 23
John Cedric Gardon, 15
Gina Lozano, 52
Sharmaine Corino, 26
Noli Francia, 18
Beah Grace Camacho, 10
Anabel Camacho
Jose Camacho
Cherry Samson
Solen Samson
Analyn Arnejo
Ronel Francia, 28, the driver
Most of the victims had head injury and bone fracture, authorities said, adding that the police have not reported any fatality from the incident.
Photo courtesy: Pagbilao MPS
