NAGTULUNG-TULONG ang mga tauhan ng Coast Guard Station Eastern Palawan, Cuyo Municipal Police Station at mga mangingisda ng Frabelle Fishing Corporation upang apulahin ang sunog na nagaganap sa barkong FV Victory 89 na gawa sa fiber.
Ngunit matapos ang ilang oras na pagaapula ng apoy, ang nasabing fishing vessel ay tuluyan ng lumubog. Naglatag din ng oil spill booms ang mga tauhan ng CGSEP upang masiguro ang maproteksyunan ang ating kalikasan.
Nagtamo ng first degree burn ang dalawang tripulante ng nasabing barko. Bukod dito, wala ng naitalang napahamak o naaksidente sa mga nagresponde at tripulante. Inaalam pa ngayon ang sanhi ng pagkasunog.
