Ang lugar na pinangyarihan ng krimen.
NAGULANTANG ang mga bisita kung saan binaril at napatay sa gitna ng masayang pagtitipon ang isang dating vice mayor ng Lobo town, Batangas, Biyernes ng gabi habang nagtatalumpati sa isang debut party.
Kinilala n Lobo police chief Captain Roy Cuevas ang biktima na si Sangguniang Bayan Secretary Romeo Sulit, 61. Bisita umano ang biktima sa isang debut party noong Huwebes. Nagsilbi sya bilang Lobo vice mayor mula 1998 hanggang 2010.
Ayon sa report, nilapitan mula sa likuran ang biktima habang nagtatalumpati. Malapitan itong binaril bandang alas-8:05 ng gabi.
Isinugod sa Lobo District Hospital at kalaunan ay inilipat sa Batangas Medical Center kung saan namatay ng hatinggabi.
Ayon sa mga saksi, ang suspect ay nakasuot ng green na jacket, itim na shortpants at sombrero. Tumakas ito matapos ang krimen.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo at personalidad sa pagpatay sa biktima.
