Courtesy: PNP-Tuguegarao City
PATAY na nang matagpuan ang nawawalang 21-anyos na estudyante sa Barangay Annagunan, Tuguegarao.
Sinabi ng pulisya na huling nakitang buhay si Jasmin Grace Casale, ng Atulayan Norte, noong May 20.
Nagpaalam umano ito sa mga magulang na may kakatagpuin na kaibigan.
Gayunman, nakita ang bangkay nito sa isang talahiban.
Sinabi ni Capt. Rosemarie Taguiam,Tuguegarao City police information officer na iniimbestigahan na ang kaso gayundin ang mga huling nakasama ng biktima.
