PATAY ang driver ng isang kotse habang sugatan ang anim iba pa, kabilang ang 2-anyos na batang babae nang mahulog sa isang tulay sa Barangay Apad, Ragay, Camarines Sur.
Ayon sa MDRRMO Ragay, nangyari ang aksidente 11:30 ng umaga ng Linggo sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Galing sa Maynila ang kotse at patungo sana sa direksyon ng Naga City, Camarines Sur nang mangyari ang trahedya.
Sinabi sa report na hindi kataasan ang tulay subalit may tubig ang ilog at nakabaligtad nang mahulog ang sasakyan dahilan para malunod ang mga lulan nito.
Anim ang lulan ng kotse kabilang ang isang bata. Isinugod sa pagamutan ang lima at ngayon ay kasalukuyan pang ginagamot.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Ragat Municipal Police Station.
Humihingi naman ng tulong ang kaanak ng mga biktima na maibalik ang labi ng driver na kinilalang si Allan Sipalay sa Maynila.
