Ni Cyrill Quilo
DALAWANG bata ang namatay matapos tamaan ng sakit na cholera sa bayan ng Tanza sa Cavite.
Nakaramdam ng matinding pagsusuka at pagtatae ang mga bata na ikinasawi ng mga ito .
Ayon sa Tanza Rural Health Unit, naitala ang outbreak sa tatlong mga barangay ng Punta Uno, Sahud-Ulan at Calibuyo.
Nakumpirma ito matapos lumabas sa pagsusuri sa naunang ipinadalang specimen ng mangingisda at asawa nito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) .
Inaalam pa ang pinagmulan ng sakit maging ang datos ng iba pang mga tinamaan ng cholera.
