SINIMULAN na ng Laguna Police Provincial Office, kasama ang Commission on Election (Comelec), ang checkpoint sa lalawigan ng Laguna upang paigtingin ang gun ban simula araw nitong araw ng Linggo (Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022).
Ito ay bilang paghahanda sa darating na Eleksyon 2022 upang maiwasan ang posibleng karahasan sa probinsya.
Kasabay din ng paghihigpit sa pinaiiral na quarantine at border control points sa lugar upang masiguro na masunod din ang minimum public health protocols at mapigilan ang pagkalat ng sakit na Covid-19 kung saan nasa Alert level 3 status ang probinsya simula nitong Enero 7 hanggang 15.
Sa naganap na unang araw ng checkpoint nitong araw ng Linggo sa Brgy. J. Rizal, Sta. Maria Laguna, naaresto si Alejandro Tampis ,51, magsasaka, matapos itong sitahin ng pulisya at hanapan ng lisensya ngunit nakitaan ito ng baril na cal.38 sa kanyang bag.
Ayon kay Laguna Police Provincial Director Col. Rona, “Sinisugardo ko na lahat ng kapulisan sa Laguna ay makikiisa para sa ating layunin na makamit ang ligtas at patas na eleksyon.”
