SAKSAK mula sa sampung pulgadang kutsilyo ang tumapos sa buhay ng isang misis matapos umanong magselos amg mister nito sa hinalang may textmate ito sa Iloilo.
Namatay si Marlyn Powden, 31, miyembro ng indigenous people sa lalawigan.
Sa imbestigasyon ng Anilao police, nag-away ang mag-asawa matapos hindi ibigay ng biktima ang kanyang cellphone sa suspek.
Pinaghinalaan umano ng suspek na may textmate ito.
Nag-agawan pa umano ang mag-asawa ng cellphone at doon na bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa tagiliran.
Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.
Mabilis na nahuli ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng Anilao police matapos nagtangkang magtago.
Nakuha sa suspek ang kutsilyo na may habang 10 pulgada na ginamit nito sa pananaksak.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at hinihintay ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ang mga ito ng kaso.
