Mayor Jeri Mae Calderon.
SA halip na itapon at makadagdag pa sa basura, ang mga tarpaulin na nagsilbing campaign material nitong nakaraang halalan ay ginawang mga tote bags at traffic signages upang maging kapaki-pakinabang.
Yan ang naging tugon ng pamahalaang bayan ng Angono sa lawigan ng Rizal sa problemang dala ng sandamukal na mga tarpaulin na ginamit sa kampanya.
Sa pakikipagtulungan ng Creative Economy Learning Center, ang mga tarpaulin ay dinesenyo at tinahi upang maging bag na maaaring gamitin sa pamamalengke.
Ayon kay Mayor Jeri Mae Calderon, hindi maganda na itapon lamang ang nga ito at lalong mali kung ang nga ito ay susunugin lamang para madispose. aniya ang parerecycle ay higit na mas mainam at makatutulong pa sa pagpapalakas ng kampanya ng Zero Basura at Ynares Eco-Sytem program ng lalawigan ng Rizal.
