Hinigpitan na ng pulisya ang lugar kung saan isang bomba ang sumabog malapit sa voting precinct. Walang iniulat na nasaktan ngunit natakot ang mga residente sa pangyayari.
ISANG malakas na pagsabog ang gumulantang sa lalawigan ng Cotabato ngayong umaga, araw ng eleksiyon.
Bandang alas-9:35 kaninang umaga, sinabi Kabacan Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga, sumabog ang hindi pa matiyak na uri ng bomba malapit sa isang voting precinct sa Barangay Poblacion sa Kabacan, Cotabato.
Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga miyembro ng Electoral Board at mga botante sa bayan ng Kabacan.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa nagpapatuloy na halalan sa North Cotabato.
