UMAKYAT na sa 7 katao ang namatay sa bumigay na tulay na tinatambayan ng 13 kabataan, Martes ng gabi.
Binulabog ang Sitio Talisayan, Brgy. Sampaloc 4 ng mapabalitang gumuho ang lumang tulay na tinatambayan ng 13 kabataan, dakong alas-9 ng gabi.
Ayon sa impormasyo lima sa mga batang ito ay nakaligtas sa insidente at tatlo sa kanila ay nagtamo ng minor injuries habang ang dalawa naman ay dinala sa ospital upang mas mabigyan ng agarang lunas. Pito na ang natagpuang wala ng buhay samantalang isa na lamang ang patuloy pa ring pinaghahanap.
Nakaantabay ang lahat ng ahensya na nagtutulong-tulong upang mahanap ang nawawala pa CDRRMO, BFP, PNP, CHO, at CSWDO na nakaalalay sa search and retrieval operations upang magalugad ang pinangyarihan ng insidente.
