TATLO ang patay habang isa ang sugatan nang pasukin ng tandem ang barangay hall ng Bahay Pare sa Meycauayan, Bulacan, Sabado ng gabi.
Agad namang nagresponde ang kapulisan kung saan napatay ang dalawang suspect nang makipagpalitan ng putok sa nagrespondeng pulis.
Mayroon na umanong alam na motibo ang mga pulis ngunit tumangging ihayag habang patuloy pa ang imbestigasyon.
Dumating umano ang tandem at agad pinaputukan ang nakabantay na tanod sa harap ng barangay hall.
Sinabi ng mga saksi na umabot ng tatlong minuto ang pagpapaputok ng mga suspect.
