MALAKI ang naapektuhang kabuhayan ng mga mangingisda sa bayan ng Los Banos nang manalasa ang bagyong ‘Jolina’, kaya’t namahagi ang lokal na pamahalaan ng 105,000 bangus fingerlings sa 21 lokal na mangingisda roon.
Nagmula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A ang mga bangus fingerlings na ipagkakaloob sa mga nagmamay-ari ng fish cage at fishpen.
Ayon sa lokal na pamahalaan, naging kaagapay nila sa naturang programa at pagsusulong sa kabuhayan ng mga mangingisda ang buong Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at Provincial Fisheries Office – Laguna sa pamumuno ni Regional Director Sammy Malvas at Chief Emiliana Casbadillo.
Lubos ang pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa patuloy na suportang ibinibigay ng iba’t ibang tanggapan upang mahatiran ng tulong pangkabuhayan ang mga mangingisda sa kanilang bayan.
