Ang icebox kung saan itnago ng suspect ang bangkay ng biktima.
ISINILID ng isang lalaki sa icebox ang babaeng napatay nito dahil umano sa utang sa Trece Martires City, Cavite.
Ang suspect, isang 36-anyos na jeepney driver, ay umamin sa kanyang misis na napatay niya ang biktima.
Gayunman, sa halip na sumuko, tumakas ito at hinahanap na ng awtoridad.
Nabatid na pinuntahan ng biktima, 25, ang suspect sa Barangay Hugo Perez nitong Miyerkules ng gabi para umano singilin sa utang.
Isang mainitang pagtatalo na ang naganap nang tanggihan ng suspect ang biktima.
Dito ay kumuha umano ng lubid ang suspect at itinali sa leeg ng biktima.
Nang mapagtanto na napatay ang biktima, isinilid nito sa icebox ang bangkay upang itago ang krimen.
Gayunman, nakonsensiya umano ang suspect at tinawagan ang misis at inamin ang pagpatay sa biktima.
