LUCENA CITY––Sugatan ang isang 25-anyos na babae matapos nitong tanggihan ang livein partner sa Quezon, Linggo ng gabi.
Ayon sa report ng General Nakar police nasa loob ng kanilang kwarto ang biktimang si Caren Joy Garcia at partner na si Dexter Adornado, 25, nang maganap ang pananaksak sa Barangay Minahan, bandang alas-9:30 ng gabi.
Sinabi na gusto umano ni Adornado na makipagtalik sa biktima ngunit tinanggihan ito. Isang mainitang pagtatalo na ang naganap hanggang kumuha ng patalim ang suspect at saksakin sa likod ang biktima.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspect.
Pinaghahanap na si Adornado habang isinugod naman sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta ang biktima.
