TATLUMPU’T tatlong saksak ang tinamo ng isang babae mula sa live-in partner sa Paracelis, Mountain Province.
Patay na nang isugod sa ospital si Clexy Ilacad, 26, ng Barangay Poblacion.
Sumuko naman sa awtoridad ang suspect na si Rodante Palandao matapos ang krimen.
Sinabi ng pulisya na madalas umanong nagtatalo ang magka-live-in dahil sa pagiging seloso umano ng suspect.
Lagi umanong pinaghihinalaan ng suspect na may ibang lalaking kinatatagpo ang biktima.
“Ang sabi ay may pagkaseloso itong suspect. Iyun ang laging pinagmumulan ng away ng dalawa,”
Itinanggi naman ng pamilya ng suspect ang akusasyon.
