IPINAGDIWANG ng bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal ang Pride Month sabay sa selebrasyon ng 124 Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng isang parada at beauty pageant na tinaguriang SAGAYLA 2022.
Ang nasabing event ay nilahukan ng mga barangay sa bayan ng Angono na nagpasiklaban sa ganda, talent at creativity.
Ayon kay Arys Maniaol, Angono Tourism Officer, mahalagang matutunan ng lahat ang pagrespeto sa mga myembro ng LGBTQIA+ó, at ang pagkakaroon ng pantay na oportunidad na dapat ay natatamasa ng bawat isa sa atin.
Binati rin ni acting Mayor Gerardo Calderon ang mga kalahok sa sagayla at beauty pageant at pinaalalahanan na maging maingat sapagkat nagkalat lamang ang ang kriminal.
Nagsagawa rin ng counseling at testing ang municipal health office patungkol sa HIV at iba pang sexually transmitted infections.
Nagkaroon din ng pagtalakay sa municipal sogie bill 2019 na isinulong ni Mayor Jeri Mae Calderon na noon ay konsehal pa lamang.
Sa huli ay itinanghal na Angono SaGayla 2022 si Jam Martin ng barangay Kalayaan. Ang naturang parada at beauty pageant ay inorganisa ng Angono LGBQTIA Interim Council at ng Angono tourism office sa pakikipagtulungan ng mga barangay official ng art capital.
