Ang suspect (kanan) matapos ituro ang itinagong bangkay ng ka-livein.
PINATAY at ibinalot sa garbage bag saka itinago sa drum ng isang Amerikano ang live-in partner na Pinay sa Bacoor, Cavite.
Tatlong araw na umanong umaalingasaw ang mabahong amoy mula sa bahay ng magka-live in sa Bacoor, Cavite at inireklamo na ng mga kapitbahay.
Binisita ng anak ng 47-anyos na biktima ang kanyang ina ngunit hindi niya nakita sa bahay na tinitirhan ng magka-live in.
Gayunman, nagduda na ito dahil sa mabahong amoy sa loob ng bahay ng kanyang ina.
Agad dumulog sa pulisya ang anak ng biktima upang ireport ang pagkawala ng kanyang ina na huli pa niyang nakausap noong May 5.
Nang puntahan ng mga pulis ay agad umamin ang Amerikanong suspect kung saan itinuro nito sa likod bahay ang bangkay ng kanyang ka-livein
Ayon sa suspect nagkaroon sila ng pagtatalo ng biktima.
Sinabi ng suspect na nagpakilala ang biktima na walang asawa at anak nang magkakilala sila mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Nagbigay din umano siya ng mahigit P1 milyon sa biktima at nang ungkatin niya ito ay doon na umano nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Nadulas umano at nabagok ang ulo ng biktima at sa takot ay sinakal umano niya ito hanggang mawalan ng malay. Doon na niya ibinalot ng garbage bag ang biktima at isinilid sa drum.
