WALONG miyembro ng pamilya ang nasawi, kabilang ang isang sanggol, sa malagim na aksidenteng naganap sa Nasugbu, Batangas, Lunes ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang isang dump truck na kargado ng buhangin kaya inararo nito ang isang motor at isang SUV.
Kabilang sa namatay ay ang sakay ng motor at ang sakay ng SUV na isang pamilya na taga-Sta. Ana Calatagan.
Natabunan ng buhangin ang mga sakay ng SUV matapos itong bumaligtad.
Kinilala ang mga nasawi na sina Catherine Joy Ampo, Evelyn Santos, Amado Santos, Jayvee Santos, Jerson Santos, Hipolito Sanggalang at ang sanggol.
Kinilala naman rider na si Edward Briones Ferrer ng Laguna. Pababa umano ng Nasugbu ang dump truck habang patungo sa direksyon naman ng Manila ang SUV at ang motor.
Sugatan din ang driver ng dump truck na hawak na ngayon ng pulisya.
