Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

7-anyos pinatay, hinihinalang ginahasa sa Iloilo

admin December 22, 2022

PATAY na nang matagpuan ang isang 7-anyos na bata matapos magpaalam sa magulang na bibili lamang ng tinapay sa Estancia, Iloilo.

May sugat sa ulo at wala nang saplot pang ibaba ang bata nang matagpuan sa isang cell site malapit sa kanilang lugar.

Sa ulat ng Super Radyo Iloilo, na iniulat din sa Super Radyo dzBB, inilahad ni Police Staff Sergeant Dan Gerald Allanic, imbestigador ng Estancia Municipal Police Station, na humingi ng pera sa kaniyang ina ang biktima para bumili ng tinapay kasama ang dalawa pa niyang kapatid.

Pagkaraan ng isang oras, bumalik ang dalawa nitong kapatid, pero hindi na nila kasama ang biktima, bagay na ipinagtaka ng kanilang ina.

Agad na hinanap ang batang babae pero makaraan ang ilang oras, nakita ang bata sa ilalim ng isang tower sa isang cell site.

Lumalabas sa imbestigasyon na may mga sugat sa katawan at pasa sa kanang mata ang biktima, na hinihinalang ginamitan ng matigas na bagay. Wala ring suot na short ang bata nang makita.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Allanic na may person of interest nang sinusundan hinggil sa pagkamatay ng biktima.

Ayon kay Allanic, madilim, maraming puno, at masikot ang ilalim ng cell site kung saan natagpuan ang bata.

Ayon naman sa ama ng biktima, umuwi ang kaniyang anak galing sa eskwelahan saka naglaro at naligo kasama ang apat pang mga kaibigan na kaniyang kaedaran.

Pag-uwi ng bata, humingi ito ng pera sa ina para bumili ng tinapay.

Dagdag ng tatay ng biktima, malapit lang ang kanilang bahay sa pinangyarihan ng krimen.

Isinasagawa na ang autopsy para matukoy kung ginahasa ang biktima

Tags: Iloilo rape

Post navigation

Previous PBBM declares Dec. 26 as special non-working day
Next 3 miyembro ng pamilya, pinaslang, nilooban sa Negros Oriental

Related Stories

Four rescued from submerged motorboats off Bohol, Maasin waters
  • Regions

Four rescued from submerged motorboats off Bohol, Maasin waters

Community journalist killed in Negros encounter; media group demands justice
  • Regions

Community journalist killed in Negros encounter; media group demands justice

2 more PNPA cadets report hazing; upperclassmen arrested
  • Regions

2 more PNPA cadets report hazing; upperclassmen arrested

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.