ANIM na magpipinsan ang nasawi habang isa ang kritikal nang sumalpok ang sinasakyang pick up ng mga ito sa Calamba, City, Laguna.
Kinilala ng Calamba City Police ang mga nasawi na sina Jhomel Hernandez Licas, 26; driver at mga psahero na sina Ruel Hernandez Dimailig; Jonel Hernandez, 29; Medel Hernandez, 32; at Angelo Hernandez, 24, pawing ng Barangay San Roque, Tagkawayan, Quezon. Hindi pa kilala ang ikaanim na nasawi habang kritikal naman si Marvin Hernandez, 22.
Sinabi ng mga saksi na mabilis ang pagtakbo ng at nang paliko na sa national highway malapit sa boundary ng Barangay Paciano at Barangay San Cristobal sa Calamba City ay sumalpok na ang mga ito sa pader.
Nawalan na ng kontrol ang driver at pumalo pa sa kabilang linya na muntik nang makabangga ng motorsiklo at jeep bago tumaob.
Naipit ang lahat ng nasawi sa loob ng sasakyan at ilang oras pa bago nailabas.
