
PINANGUNAHAN ni San Jose Del Monte City, Bulacan Mayor Arthur Robes at ng kanyang kabiyak na si Rep. Florida ‘Rida’ Robes, mga opisyal at empleyado ng City Hall, ang pag-iilaw sa 59 na talampakang taas na giant Christmas tree sa makulay na seremonya noong Lunes ng gabi. Handog ng mag-asawang Robes ang makulay na Christmas tree para sa mga estudyante na may kapansanan sa temang “Liwanag at Pag-asa: Paskong San Joseño”.
