LIMANG miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang natagpuang wala nang buhay sa San Miguel, Bulacan sa gitna ng pananalasa doon ng Bagyong Karding.
Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando sakay ng bangka ang limang rescuer ng biglang rumagasa ang baha at mabagsakan ng pader.
Dumagsa naman ang pakikidalamhati ng publiko sa ipinakitang kabayanihan ng mga biktima na hindi inalintana ang panganib masagip lamang ang mga taong nasalanta ng bagsik ng super typhoon Karding.
