Courtesy: Victor Martin
APAT katao ang nasawi habang ligtas naman ang isa nang malason sa methane gas na gamit sa treasure hunt sa Sitio Sawmill, Barangay Mabuslo, Bambang town, Nueva Vizcaya nitong Lunes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Dionisio Alisen, 62, ng Antutot, Kasibu town; Jeremiah Padilla, 64, ng Sawmill, Mabuslo, Bambang; Selvino Mendoza, 63, ng Banggot, Bambang at Marlon Mateo Orden, 38, ng Barangay Magsaysay Hill, Bambang, pawang ng Nueva Vizcaya.
Sinabi ng pulisya na ginamit ng mga ito ang methane gas sa umano’y treasure hunt ngunit namatay dahil sa kawalan ng oxygen.
Tinangka ni Marlon Siopon, 32, iligtas ang mga biktima ngunit siya man ay nawalan ng malay. Hinila siya ng isang kabarangay palabas ng tunnel.
Sinabi ni Bambang police chief Major Frederick Ferrer, minominotor nila ang 10-metrong lalim ng tunnel sa lugar.
“It is illegal treasure hunting, we surmised, and their alibi that they are looking for water is a far-fetched idea,” sabi ni Ferrer.
