APAT na estudyante ang nasawi nang salpukin ang likurang bahagi ng sinusundan na truck sa
Tayabas City, Quezon madaling araw ng Miyerkoles.
Ang mga biktima na may edad 18 hanggang 23 ay mga residente ng Candelaria, Quezon, ayon sa pulisya.
Sa imbestigasyon ng Tayabas police, mabilis ang takbo ng van na sinasakyan ng mga biktima nang sumalpok ito sa sinusundang forward truck sa paakyat na bahagi ng highway sa Barangay Calumpang.
Galing Lucena City ang van at patungo na sa Candelaria nang mangyari ang aksidente bandang alas-3 ng madaling araw.
Ayon sa driver ng truck, dahil sa bigat ng kanilang karga, hindi niya namalayan ang pagsalpok at inakala niyang pumutok lang ang 1 gulong sa hulihan.
Pero nang itinabi na umano ang truck, doon niya nakita sa side mirror na kaladkad na nila ang van.
Hawak ngayon ng Tayabas police ang truck driver.
