Screengrab CGV The Explorer
APAT na barangay sa Irosin, Sorsogon ang nababalutan ng ashfall matapos ang phreatic eruption ng Mt. Bulusan, Linggo ng umaga, ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO).
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Irosin, Sorsogon MDRRMO officer Fritzie Michelena na umaabot na sa 800 pamilya ang apektado na sa ashfall sa barangay Cogon, Bolos, Gulang-Gulang, at Tinampo.
“Sa ngayon, apat na barangay ang slightly affected ng phreatic explosion ng Bulkang Bulusan pero sa karatig naming bayan, ‘yun ‘yung medyo madami-dami ang ashfall, diyan sa Juban,” sabi nito.
(Right now, four barangays are slightly affected by ashfall from the phreatic eruption of Mount Bulusan, but the nearby town Juban might have more barangays affected.)
Inihahanda na ng local government ang posibleng paglikas ng mga residente sabi ni Michelena.
Hindi pa umano kailangan ang paglikas base sa inisyal na pagtatala.
Hindi pa rin umano nanghihingi ng anumang tulong ang lokal na pamahalaan sa national government.
Sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum ang phreatic eruption ay naganap ng alas- 10:37 a.m. at tumagal ng 16 minuto.
