NAMATAY noon din sa tama ng bala sa ulo ang isang 30-anyos na babae habang papasok sa trabaho sa Tanauan Batangas.
Sakay ang biktimang si Kisha Anne Pamplona ng tricycle at papasok na sa trabaho sa dental clinic sa Tanauan, Batangas, nang maganap ang insidente sa Barangay Santor.
Hindi naman makapaniwala ang pamilya ng biktima lalo’t wala naman silang kilalang kaalitan nito at sa katunayan ay mabait at palakaibigan.
Hindi rin matanggap ng ina ng biktima ang sinapit ng kanyang anak at hingi ng hustisya ang hiling sa kapulisan.
Sinabi ni Police Major Aldrin Atienza ng Tanauan police na planado ang pagpatay sa biktima. Sinundan umano ito at nang makatiyempo ay binaril nang malapitan sa ulo.
May person of interest na umano ang kapulisan ngunit hindi pa tinukoy kasabay ng pangakong malulutas ang krimen.
