Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

3 sa pagpatay sa 2 pulis sa Pampanga arestado

admin December 4, 2022

TATLO, kabilang ang isang babae, ang inaresto ng pulisya dahil sa pag-ambush at pagpatay sa dalawang pulis sa Mabalacat, Pampanga, Linggo ng madaling araw.

Ang mga suspect ay kinilalang sina Jun Jun Espiritu Baluyut, Aris Espiritu, at isang babaeng nagngangalang Leslie Placente.

Nadakip ang tatlo sa isang follow-up operation sa South Daang Bakal Road ngayong Linggo ng madaling-araw, ayon pa sa ulat.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng isang motorsiklo sina Police Master Sergeant Sofronio Capitle at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr. nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay din ng dalawang motorsiklo.

Si Capitle at Gacusan ay pawang miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City.

Nabatid na galing ang dalawang biktima sa isang anti-drug operation nang sundan at pagbabarilin sila ng mga salarin.

Ayon pa sa ilang pahayag ng testigo, nakatumba na ang motor at ang dalawang pulis dahil sa tama ng bala pero nilapitan pa raw sila ng mga suspek at saka pinagbabaril ng malapitan.

Inihahanda na ng Mabalacat City Police ang reklamong isasampa laban sa mga suspek na nakapiit ngayon sa Mabalacat PNP Custodial Facility.

Samantala, inatasan na ni Azurin ang Regional Director ng PNP Region 3 na pangunahan ang pagsasagawa ng mas malalim pang imbestigasyon at hot pursuit operation laban naman sa dalawang suspek na hindi pa nahuhuli.

Tags: ambush pampanga

Post navigation

Previous Contactless, cashless payments patuloy na isinusulong ng DOTR
Next 42 commercial airports on high alert for passenger surge

Related Stories

Clearing operation kasado, missing bangketa babawiin
  • Regions

Clearing operation kasado, missing bangketa babawiin

Mayon danger zone may expand to 7 km amid increased activity
  • Regions

Mayon danger zone may expand to 7 km amid increased activity

Phivolcs issues strict rules, warns of multiple hazards amid Mayon’s ongoing activity
  • Regions

Phivolcs issues strict rules, warns of multiple hazards amid Mayon’s ongoing activity

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 8 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.