DALAWAMPU’T dalawang crew member ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos lumubo ang cargo vessel na sinasakyan ng mga ito sa Hinatuan Island at Bucan Grande Island sa Surigao del Norte ngayong Biyernes.
Ayon sa kapitan ng barko na si Robert Espino, umalis ang cargo vessel na LCT Pacifica 1 sa
Cabadbaran Port sa Agusan del Norte patungong Dapa Port sa Surigao del Norte.
Nakabangga umano ng barko ang malalaking alon na halos tatlong metro ang taas dahilan para pasukin ng tubig ang engine room at unti-unting tumaob ang cargo vessel.
Masuwerteng napadaan ang MV Veronica at natanaw ang lumubog na cargo vessel at agad nasagip ang mga sakay ng vessel.
Inaalam din ng PCG kung may oil spill na naganap sa bisinidad.
