KINUMPIRMA ni Apayao Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Jeoffrey Borromeo na natagpuan na ang crash site ng cessna 152 ngayong araw, Agosto 02, 2023 sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, Apayao.
Gayunman, walang nakaligtas sa bumagsak na eroplano.
Nasawi ang Piloto na si Capt Edzel John Lumbao Tabuzo, residente ng San Juan City sa Metro Manila at student pilot, Anshum Rajkumar Konde, isang Indian national.
“Natagpuan rin ang dalawang sakay nito ngunit kapwa wala nang buhay,” ayon sa APDRRMO
Wala pa ring detalyeng inilabas sa pagbagsak ng eroplano.
Patungong Tuguegarao City kahapon ang eroplano ngunit hindi na ito nakababa ng airport. Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, huling namonitor ang eroplano sa 32 nautical miles mula Alcala, Cagayan.
Sinabi ng Office of Civil Defense sa Region 2 na dalawang eroplanong maglalanding sa Tuguegarao airport t galing ng Laoag City airport bandang alas-12:16 ng hapon ngunit isang eroplano lamang ang lumapag ng ala-1:11 ng hapon.
Hindi na nakontak ang piloto sa kanilang cellphone o radyo hanggang Martes ng gabi.
