Screengrab: Noj Mercado
DALAWA katao ang nasawi habang 21 iba pa ang sugatan nang tumaob at nagpagulung-gulong ang isang overloaded na van sa kahabaan ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) nitong Sabado.
Sa dashcam footage ay makikita an gang putting van na nag-overtake hanggang sa pumutok ang kaliwang likod na gulong.
Nawalan na ng kontrol ang van at makailang nagpaikot-ikot. Marami sa mga pasahero ang tumilapon din mula sa van.
Agad ding nagbigay ng tulong ang ilang motorista na dumaan.
Sinabi ng Cordova police na dalwang pasahero, isang 2-anyos na bata at isang babaing nasa pagitan ng 40-50 ang edad ang namatay noon din.
Isinugod naman ng Rescuers ang 21 sugatan sa aksidente kabilang ang driver.
Sinabi ng pulisya na posibleng overloaded ang van dahilan para pumutok ang gulong ng van.
