Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

19-anyos tinadtad ng saksak, hinihinalang ni-rape ng binasted na suitor

Screengrab GMA News
admin December 13, 2022

Ang biktima nang matagpuan sa bahay ng kaibigan. Hustisya ang sigaw ng ina nito dahil sa malagim na kamatayan na sinapit ng 19-anyos na anak.

PATAY at tadtad ng saksak nang matagpuan ang isang 19-anyos na dalaga sa loob ng inuupahang bahay ng kaibigan sa Cainta, Rizal.

Tinadtad ng saksak, maging sa maseselang bahagi ng katawan ang biktima na si Cristine Avila. Pinaniniwalaang hinalay din ang biktima dahil walang saplot ang pang-ibaba nito nang matapuan gabi ng Disyembre 5.

Ang suspect na naiwan pa ang barangay ID ay kinilalang si Khalid Sarip. Nanliligaw umano ito sa biktima ngunit binasted, ayon sa report ng 24-Oras.

 “Ang dami po talagang saksak. Pati ari niya sinaksak, pati pusod niya dito sa tagiliran pinaghiwa-hiwa pa siya. Pati tenga niya ang daming butas, pati ngipin niya tanggal ang isa,” ayon kay Evangeline Abbot, ina ng biktima.

Ayon sa ulat, December 4 ng hapon nang magpunta si Cristine sa inuupahang bahay ng kaibigan niyang babae.

Pero pagsapit ng gabi, nakarinig ng sigawan ang mga kapitbahay.

“’Yung anak ko humingi ng saklolo, bandang 7:30 p.m.,” ayon kay Abbot.

Ilang saglit pa, nakita raw ng mga testigo na nagmamadaling lumabas bahay ang isang lalaki. Matapos pa ilang minuto, isa pang lalaki ang nakitang lumabas.

Nakuha sa crime scene ang isang bag na may ID ng isang nagngangalang Khalid Sarip, na itinuturing suspek sa karumal-dumal na krimen.

“Siguro nagkaroon sila ng komosyon at nanlaban siya. Kaya inisip ng suspek na baka ito ay makapahamak pa sa kanya, kaya minabuti na niyang sinaksak na,” saad ni Cainta Police chief Police Lieutenant Colonel Ruben Piquero.

Lumabas sa imbestigasyon na nanliligaw si Sarip sa biktima pero sinasabing binasted niya ito.

“Nagkuwento itong si Cristine sa kaibigan niya, na ito raw na sumaksak sa kaniya, nanliligaw kay Cristine. Ayaw ni Cristine,” sambit ni Abbot.

HUSTIYA

Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng biktima, na nakatakdang ilibing sa Huwebes.

“Tulungan niyo po ako na mapabilis ang kaso ng anak ko kasi ililibing na po sa Huwebes wala pa po kami nangyayari sa kaso ng anak ko,” pakiusap ni Abbot.

Ayon naman sa mga awtoridad, naisampa na ang kasong rape with homicide laban kay Sarip.

Sinabi naman ni Piquero tungkol sa kaibigang babae ng biktima at isa pang nakitang lalaki galing umano sa crime scene, “Actually siya ‘yung isa sa magiging witness kasi namin. Kung makita namin na mayroong conspiracy sa pangyayaring ‘yun puwede namin siyang file-lan ng kaso.”

Tags: cainta rizal

Post navigation

Previous LTO warns public vs non-appearance schemes for registration, renewal of vehicles
Next Hontiveros files bill to decriminalize libel

Related Stories

New body recovered from collapsed Angeles City building
  • Regions

New body recovered from collapsed Angeles City building

Woman killed in SJDM shooting; suspects arrested, illegal drugs seized
  • Regions

Woman killed in SJDM shooting; suspects arrested, illegal drugs seized

Missing person found safe; Angeles rescue shifts to retrieval
  • Regions

Missing person found safe; Angeles rescue shifts to retrieval

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Mon, 1 Jun.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.