NASA 15 pasahero ng motorbanca ang nailigtas matapos itong lumubog sa bahagi ng Barangay Poblacion, Rapu-Rapu, Albay nitong Biyernes, Oct. 14. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente. Ayon sa kapitan ng motorbanca, nagkaroon sila ng problema sa makina at sinabayan pa ng malalakas na alon kaya lumubog ang kanilang sinasakyan. Photo courtesy Philippine Coast Guard
