LABING APAT na tripulante ang nakaligtas sa lumubog na barko na na may kargang 5,400 litro ng diesel sa Camotes Island sanhi ng bagyong Agaton.
Pinangangambahan din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng pagtagas ng langis mula sa lumubog na barko na MV Logan.
Gayunman, wala pang nakikitang palatandaan ng pagtagas ng langis o oil spill ngunit patuloy pa rin itong minomonitor ng coast guard.
Ayon kay Coast Guard Central Cebu, Commander Captain Alvin Dagale, Ito ay dala ng malakas na hangin at alon ngunit wala naman aniyang ulat na may injuries o casualty at wala ring silang natatanggap pang ulat ng oil spill mula sa nasabing barko.
Hindi pa rin naiaahon ang nasabing barko at hinihintay pa ang update mula sa deployable team ng PCG.
