KAY GANDANG BASURA. Agaw-pansin sa bayan ng Binangonan sa lalawigan ng Rizal ang isang higanteng Christmas tree na tulong-tulong na ginawa ng mga kababaihan, katuwang ang Department of Education (DepEd), mga non-government organizations (NGO), pribadong sektor at lokal na pamahalaan mula sa basurang nakalap sa lokalidad. Sa temang “Resbakuna, Solusyon sa Coronavirus,” malaking bahagi ng nasabing higanteng Christmas tree ay mga takip mula sa botelya ng mga bakunang itinurok sa mga residente ng nasabing baybaying bayan.