ISA ang patay habang tatlo ang sugatan at 20 crew members ang nailigtas nang masunog ang isang container ship at domestic vessel habang nakaangkla sa Talisay City.
Hindi na nagawa pang maisalba ang biktima ng M/V General Romulo samantalang naidala na sa dalampasigan ang 20 crew members at nilalapatan ng pang-unang lunas.
Hindi na umano nailigtas ang biktima dahil sa kapal ng usok sa loob ng barko.
Sa inisyal na imbestigasyon, isang malakas na pagsabog ang narinig na lumikha ng malaking apoy. Inaalam pa rin kung anong tubo ang sumabog sa loob ng barko.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga nagrespondeng personnel ng CGSS Talisay at Talisay City Bantay Dagat.
Nagresponde rin ang BRP Malamawi (FPB-2403), Special Operation Unit (SOU)-Central Visayas, at Coast Guard Medical Central Visayas.
