PATAY ang isang opisyal na pulis habang dalawa ang sugatan nang mag-amok umano ang isa pang pulis sa loob ng Taguig City Police Station ngayong Lunes.
Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Police Executive Master Sergeant Heriberto Saguiped sa tinamong tama ng bala sa katawan.
Nabatid na naganap ang barilan sa Community Affairs Section Office ng Taguig police station.
Sa impormasyon, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspect na si Police Chief Master Sergeant Alraquib Aguel at si Saguiped dahilan para magwala si Aguel.
Agad nitong binaril si Saguiped at si Police Corporal Alison Sindac, na umaawat lamang sa suspect.
Gumanti ng pulis si Sindac at binaril si Aguel.
Kritikal ang kondisyon si Sindac habang inooperahan naman si Aguel.
Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagtatalo ng suspect at biktima.