MetroSunDaily

News and Current Affairs

Pulis-Laguna patay sa accidental shooting

PATAY ang isang miyembro ng Special Weapons and Tactics team (SWAT) matapos ang umano’y aksidenteng pagputok ng baril ng kasamahan nito habang nililinis ang baril ngayong Huwebes, sa San Pablo, Laguna.

Kasama ng biktimang si Cpl. Fhrank Aldene Dela Cruz ang isa pang SWAT personnel nang pumutok umano ang baril ng kasamahan at tamaan ito sa dibdib, ayon kay San Pablo police chief Lt. Col. Joey Lucas. 

“‘Nakaligtaan ho pala nung clinear niya yung baril niya akala niya wala nang laman yung baril yun na. Naputok pa at natamaan yung isang kasamahan natin,” sabi ni Lucas.

Sa CCTV footage, nakita na kinuha ng kasama ng biktima ang baril sa upuan at tumabi sa ito para linisin din ang kanyang baril.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Haharap naman sa kasong administratibo ang suspect.

Sinabi ng suspect na hindi niya alam na nadampot niya ang maling baril.

Find this content useful? Share it with your friends!