SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez on Tuesday said the continued decrease in inflation is the result of economic reforms and measures to reduce food prices, particularly that of rice, undertaken by the administration of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“Ang pagbaba ng inflation sa 1.4 percent ngayong Abril ay isang konkretong patunay na ang mga hakbang ng pamahalaan ay may tunay na epekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino,” Speaker Romualdez said.
“Ipinapakita ng numerong ito na mas kontrolado na ang presyo ng mga pangunahing bilihin – mula sa bigas, gulay, at karne, hanggang sa kuryente at pamasahe. Ibig sabihin, mas abot-kaya na ang pang-araw-araw na gastusin, at mas lumalawak ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na mapagkasya ang kanilang kita,” Speaker Romualdez said.
The leader of the 306-member House of Representatives said the fall in inflation was an expected outcome and not a fluke
“Hindi ito basta resulta ng swerte. Ito ay bunga ng malinaw na direksyon at matatag na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang buong Kongreso na katuwang niya sa pagpasa ng mga reporma at batas na layuning palakasin ang ekonomiya, ibaba ang presyo ng bilihin, at lumikha ng mas maraming trabaho,” Speaker Romualdez stressed.
Speaker Romualdez pointed out that lower prices of rice and other food items contributed largely to the decrease in inflation in April.
“Pinabilis natin ang pagdating ng mas murang pagkain sa merkado, binuksan natin ang mga oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan, at tiniyak nating hindi iiwanan ang mga maliliit na negosyante at manggagawa sa ating pag-unlad,” Speaker Romualdez said.
“Ngayon, unti-unti na nating nararamdaman ang bunga ng mga repormang ito. Hindi na lamang ito datos sa papel – ito’y ginhawa sa palengke, dagdag-kaya sa bulsa, at pag-asa sa bawat tahanan,” he said.
Speaker Romualdez vowed that he and the House of Representatives would continue to help President Marcos Jr. keep food prices down and the country’s economy growing.
“Bilang lider ng Mababang Kapulungan, mananatili tayong tapat sa ating tungkulin: ang tiyakin na ang bawat batas na ipinapasa natin ay may direktang benepisyo sa mamamayan. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang ating pangarap ay hindi lang paglago ng ekonomiya, kundi ang pag-asenso ng bawat Pilipino,” Speaker Romualdez said.
Speaker Romualdez noted that since January this year, inflation kept falling from a high of 2.9 percent that month, down to 2.1 percent in February, 1.9 percent in March, and to 1.4 percent last month.
“As I have repeatedly stated, the continuing challenge is for us to ensure that the inflation rate remains low. That will mean that rice and other food items will continue to be affordable,” Speaker Romualdez said. (END)
