MetroSunDaily

REAL NEWS * REAL TIME

P300 kada kilo: Supply ng sibuyas minomonitor ng DA

INAALAM na ng Department of Agriculture (DA) ang supply ng pulang sibuyas matapos sumirit ang presyo nito sa P300 kada kilo sa merkado.

Sinabi ni DA Asst. Secretary Kristine Evangelista na base sa kanilang monitoring umaabot na sa P280 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas may mga merkado din na P300 kada kilo ang bentahan.

“Nakita na po natin yung pag spike ng presyo ng pulang sibuyas… Ngayon kami ay nakikipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry para makita natin ang supply situation para makita natin ang kadahilanan ng pag spike ng presyo,” sabi nito.

“Hinihintay po natin ang report mula sa Bureau of Plant Industry base sa mga inventories sa mga cold storage facilities,” ayon pa kay Evangelista.

Sa kasalukuyan ay hindi pa umano nagpaplano ang gobyerno ng importasyon ng sibuyas sa bansa.

“Sabi po nila (farmers) mayroon sila harvest ng Disyembre… Titingnan natin ang volume na kanilang puwedeng i-harvest dahil yan ay makakatulong sa pagdagdag ng supply.”

“Within the week we will have an inventory situation… That will definitely help sa ating supply situation,” she said.

Sa ngayon, makabibili ang publiko ng mas mababa sa P200 kada kilos sa mga Kadiwa stores.

Find this content useful? Share it with your friends!