Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Sablay si Sara

Ni Bernard Toledo
admin January 31, 2022

INAMIN na ni dating senador Ferdinand “ Marcos Jr. na kalihim ng Department of National Defense (DND) ang gusto ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio kapag nanalo itong bise-presidente sa magaganap na halalan. Mukhang payag sa Marcos Jr. Kaya, huwag magtaka kung italagang kalihim ng DND si Duterte – Carpio kapag manalo sa pagkapangulo si Marcos Jr.

Hindi naman bago sa kasaysayan ng DND na hawakan ito ng pulitiko. Nangyari na ito noong pangulo si Joseph Ejercito – Estrada kung saan ang kalihim ng DND ay si Senador Orly Mercado.

Noong panahon ni Pangulo Elpidio Quirino ay pulitiko rin ang hepe ng DND. Kongresista mula Zambales si Ramon Magsaysay nang italaga siya ni Quirino na maging kalihim ng DND.

Habang kalihim ng DND, nagamit ni Nagsaysay ang nasabing posisyon upang magwagi sa pampanguluhang eleksyon. Mabangung-mabango ang imahe at kredebilidad ni Magsaysay sa napakaraming Pilipino dahil sa kanyang kampanya laban sa mga ‘komunista’ at ‘terorista’.

Tila ganyan din ang plano ni Duterte – Carpio.

Magpokus sa mga komunista at terorista upang manalo sa pagkapresidente sa eleksyong 2028. Okey lang ‘yan dahil iyan ang pinaniniwalaan niyang magandang estratehiya upang maging pangulo ng bansa mula 2028 hanggang 2034.

Ang hindi maganda sa balak ni Sara Duterte – Carpio kung siya na na ang kalihim ng DND ay ang pagsusulong ng konseptong “mandatory military service” sa mga Pilipinong umabot sa edad 18. Hindi orihil na ideya ni Carpio ang mandatory military service sa ibang bansa.

Tila kumbinsido si Carpio na dapat ding maglingkod sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga batang Pilipino.

Isa raw ito porma ng paglilingkod sa bayan. Napakaraming paraan puwedeng ‘puwersahing’ maglingkod ang mga Pilipino na umabot sa 18 – taong gulang. Maganang natutong magsilbi sa bansa ang mga Pilipino, lalo na sa murang edad.

Ngunit, huwag lang iyong makikintal sa kanilang isapan ang pagpatay sa kapwa. Napakasamang ideya ang pumatay ng kapwa. Walang taong matino ang pag-iisip ang nanghihikayat, namimilit at nag-uutos sa mga Pilipino na sumabak sa digmaan at pumatay ng tao.

Kahit pa gawing batas ang mandatory AFP service, hindi pa rin ito matuwid at makabuluhan.

Kung modernisasyon ng AFP ang puntirya ni Sara Duterte – Carpio, pagpapalakas ng mga armas at pagpapatigil sa katiwalian at korapsyon sa AFP ang gawing niya adyenda. Nakabatay din d’yan sng kanyang mga pahayag at pangako sa panahon ng kampanya.

Mga estratehikong usapin ang pagpapalakas ng mga armas ng mga sundalo at pagputol sa katiwalian ay korapsyon sa sandatahang lakas ng bansa dahil makatutulong ang dalawang nabanggit na mga ideya upang maging makabuluhan at kapakipakinabang ang AFP.

Post navigation

Previous DILG to LGUs: Ensure sabong operations compliant with all health protocols
Next More than 200k patients receive P2.2B in medical aid from PCSO in 2021

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.