Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Pabuya

By Angel Jose
admin October 9, 2022

HINDI na bago ang paglalaan ng pabuya sa kulturang Pilipino.

Katunayan, maging sa loob mismo ng ating mga tahanan, yan na rin ang kalakaran.

May mga magulang na naglalaan ng gantimpala sa mataas na grado ng mga anak sa paaralan, sa pagpapamalas ng sipag sa gawaing bahay at iba pang pamantayan. Wala naman marahil masama sa pagbibigay ng gantimpala o pagkilala.

Pero sa pagresolba ng mga kaso ng pinaslang peryodista, parang may mali yata. Dangan naman kasi, sa tuwing may pinapatay na mamamahayag, nakasentro ang pabuya sa (mga) salarin.

Sa kaso ng pagpaslang kay Percival Mabasa (mas kilala sa pangalang Percy Lapid) nito lamang nakaraang Lunes, tila mas angkop ibigay ang pabuya sa pamilya ng dalawang pumaslang – sa kondisyong ikakanta nila ang pagkakakilanlan ng kung sino man ang nag-utos o nangakong magbabayad sa kanila.

Kaya dun sa pumatay kay Percy, aba mag-isip ka.

Bago ka pa man ipatumba ng mastermind, magsiguro ka. Isipin mo kinabukasan ng iyong pamilya!

Bakit kamo? Sa dinami-dami kasi ng mga kahalintulad na kaso, ilan na nga ba ang mastermind na kinastigo? Meron ba? Parang wala naman yata.

Ang kadalasang nagdurusa, yun lang napag-utusan. Ang utak ng pamamaslang, hayun, pagala-gala lang.

May iba naman prenteng-prente sa posisyon habang nagbibilang ng komisyong kinita mula sa alanganing transaksyon. Magkano nga ba ang karaniwang presyong binabayad ng mga demonyo sa bawat pinatutumbang journo? Bente mil? Trenta, kwarenta o singkwenta?

Ipagpalagay na natin P100,000. Malayo pa rin sa P1.5 milyong pabuya sa pagtuturo sa salarin di ba? Pero hindi dapat matapos sa pag-aresto (yun ay kung hindi irarampa batay sa script na nanlaban) ang panibagong kaso ng mga pinaslang na journo.

Sa pagpatay ng komentaristang si Percy, tumataginting na P1.5 milyon ang nabalitang pabuya – kalahating milyon mula kay Interior Secretary Benhur Abalos at isang milyon mula sa abogadong si Alex Lopez.

Ang totoo, marami sa aming hanay ang nagdadalamhati sa sinapit ni Percy. Ako mismo, nalungkot. Taong 1992 nang makilala ko si Percy. Kapatid siya ng kapwa ko dyarista si Roy Mabasa.

Sa mga panahong yaon, sa isang gusali sa kahabaan ng TM Kalaw pa kami nag-oopisina para sa isang pahayagan kung saan ko natikman ang unang demanda kaugnay ng mga inilimbag na istorya.

Nang tumiklop ang dyaryo, nanatili kaming magkaibigan.Nagpapangita paminsan-minsan.

Mas madalas na nagtatawagan lang. Pero kakaiba ang tawag niya sa akin may ilang buwan na ang nakaraan.

Sa halip na kumustahan, direkta niya akong sinabihan – “Bro, gawan mo ko ng libro ng talambuhay ko,” aniya.

Ang galit kong tugon – “Susmaryosep! Bakit mamamatay ka na ba?” Ang bwelta naman niya – “Hindi natin masasabi kung kailan pero gawan mo ko ha. Wag ka mag-alala, babayaran kita,” aniya sabay tawa.

Sa aking pakiwari, batid ni Percy ang nakaambang peligro. Pero kilala ko siya. Kaibigan ko nga di ba? Hindi niya ugaling magsumbong.

Mas kursunada niyang maging sumbungan.

Tags: pabuya percy lapid killers

Post navigation

Previous Alert Level 2 remains at Mayon Volcano; ‘calm’ for the past 24-hrs
Next PBBM to sign SIM Card Registration Act

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.