Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Kongresistang pabida, protektor ng droga

admin October 4, 2024

HINDI sapat ang katagang nakauumay para ilarawan ang mala-karnabal na imbestigasyon ng Kamara kaugnay ng giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.

Walang masama sa congressional probe kung ang target palutangin ay pawang totoo. Pero kung ang hangad lang ay gibain ang pagkatao ng iba sa ngalan ng pulitika, utang na loob, tigilan niyo na bago pa malantad ang inyong bulilyaso.

Tulad na lang nitong isang kongresista pabida sa ika-pitong pagdinig kung saan lumutang ang isang testigong nagturo ng kung sino-sino para makaiwas sa kinasangkutang bulilyaso – ang pamamaslang kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga.

Habang pinapanood ko ang pagdinig, hindi ko maiwasan matawa. Dangan naman kasi sa Rizal din ako nakatira at at sa aming lalawigan umaalingasaw ang lahat ng baho ng taong gobyerno.

Kasama sa may mabantot sa pagkatao ang naturang kongresistang protektor ng mga tulak sa nasasakupang distrito. Arbor dito, arbor doon ang kanyang estilo, ayon mismo sa barangay chairman na kanyang binalaan.

Bakit nga ba niya sinasalag ang pagdakip ng mga pulis sa mga taong sangkot sa tuwing may nakakalawit na big-time drug pusher ang pinagsanib na pwersa ng barangay at lokal na pulisya? Sa aking sapantaha, hindi boto ang habol niya lalo pa’t may pambili naman siya sa tuwing sasapit ang halalan dito sa aking mahal na lalawigan.

Pero sa pamilya, hindi lang siya ang may bahid ng kawalangyaan. Ang kanyang nakababatang kapatid, kilalang land grabber sa aming probinsya.

Ang totoo, lubos na kinatatakutan ang tambalan ng mag-utol na kapwa nagsilbing unipormado. Pero bago sila nagretiro, isang operasyon ang nagpayaman sa kanila ng todo-todo — ang Kuratong Baleleng!

Sa puntong ito, higit na AngCOP talupan ng Kamara ang tunay na pagkatao ng kabarong nagpapanggap na matino.

Tags: dapithapon fernan angeles

Post navigation

Previous Funding needed for expanded Centenarian’s Act: Romualdez on Elderly Filipino Week 
Next Barbers to Roque: Clear your name, surrender

Related Stories

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

Preparing for the Worst 
  • Opinion

Preparing for the Worst 

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet
  • Sole survivor of Air India crash recounts escape

Source: USD/PHP @ Thu, 23 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.