Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Kongresistang ‘Anti-ABS-CBN’, hindi magiging senador

Ni Bernard Toledo
admin December 27, 2021

MARAMING naghahangad maging senador ng Republika ng Pilipinas sa susunod na anim na taon.

Mayroong mga dating senador, dating bise-presidente, broadcaster, retiradong heneral, artista, lider-manggagawa at mga kongresista.

Sa apat na kongresistang tumatakbo sa pagkasenador, isa sa kanila ang iniyayabang sa kanyang patalastas sa telebisyon na labinglimang taon na siyang kasapi ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Ang tinutukoy ko ay si Representative Rodante Marcoleta.

Idiniin ni Marcoleta sa patalastas na patas sa lahat ang pagbabalangkas niya sa mga batas.

Subalit, hindi niya sinabi na naging kinatawan na siya ng dalawang partylist. Mula sa ALAGAD, naging kinatawan siya ng SAGIP partylist group. Katulad siya ng mga pulitiko na walang paglalagyan sa kinakatawang distrito, kaya minabuting lumipat sa ibang distrito upang siguradong manatiling kongresista.

Puntirya ang Senado

Sa magaganap na pambansa at panglokal na halalan sa Mayo 9,2022, Senado ang puntirya ni Marcoleta. Ambisyon naman niyang maging senador.

Sa kanyang mahabang panunungkulan sa mababang kapulungan, nitong nakalipas na taon lamang siyang madalas maging laman ng mga balita.

Palaging nakakasama si Marcoleta sa mga balita ukol sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Isa si Marcoleta sa mga kongresistang humadlang sa pagbibigay ng panibagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN. Napakatindi ng mga natuklasan ng ilang kongresista laban sa ABS-CBN tulad ng kuwestyon sa binayarang buwis, parte ng pag-aari ng mga dayuhang negosyante sa nasabing kumpanya at inakusahang “American Citizen” si Eugenio “Gabby” Lopez III, ang chairman ng ABS-CBN.

Isa rin siya sa mga may-ari ng nabanggit na korporasyon. Matindi ang akusasyon kay Lopez labag sa Konstitusyon ng bansa na maging may-ari ng media company ang sinumang banyaga.

Hindi nabanggit sa Konstitusyon na puwedeng maging may-ari at chairman ng media company ang taong dalawa ang citizenship dahil dalawang bansa at dalawang lahi ang kinikilala at minamahal ng ganitong klaseng tao. Kaya, maaaring tuksuhing salawahan! Nagwagi ang pangkat ni Marcoleta laban sa ABS-CBN Corporation.

Mula sa nangyaring ‘yan, inakusahan sila ng mga sinasabing “loyalista” ng ABS-CBN na “Anti-ABS- CBN”.

Upang maging milyun-milyon ang makakilala kay Marcoleta, naglunsad siya ng patalastas ukol sa kanya.
Ngunit, kapansin-pansing hindi nabanggit ang pagiging Anti-ABS-CBN niya.

Wala sa sarbey

Ilang linggo nang napapanoob sa telebisyon ang kanyang komersiyal, ngunit hindi pa rin lumalabas ang pangalan ni Rodante Marcoleta sa mga nangunguna sa sarbey ng mga tumatakbong senador.

Dalawang sarbey na ang naibabalita sa midya, ngunit wala talaga akong makitang Marcoleta.

Kung magpapatuloy ang paglaglag sa kanya ng mamamayan sa sarbey, posibleng matalo sa halalan si Marcoleta.

Kahit kada 30 minuto ang pagitan ng paglabas ng kanyang patalastas sa telebisyon, radyo at iba pa, may kulang ang nilalaman ng kanyang patalastas. Kaya, napakalinaw na hindi kahanga-hanga ang mga pahayag niya.

Hindi na nga kahanga-hanga, hindi pa kapanipaniwala.

Itanong ninyo sa ilang nagtatrabaho sa Department of Education (DedEd) kung totoo o hindi ang sinasabi ko.

Kahit ang kontratista at negosyanteng si J. C. Palabay ay alam kung anong klaseng kinatawan ng SAGIP partylist group si Marcoleta.

Ang gusto ng mga Pilipino ay senador na tapat at totoo sa lahat ng mga batas na ipinapasa sa Kongreso.

Ibig kong sabihin, hindi kabaliktaran ng batas ang desisyon, pananaw at pagpapatupad sa mga batas.

Halimbawa, batas laban sa katiwalian at korapsyon, dapat isa sa nangunguna sa pagpapatupad ng Anti-Graft and Corruption Practices Act ang mga kongresista at senador.

Dapat, solido ang kanyang pagtutol sa katiwalian at korapsyon, kabilang na ang pagkakaroon ng komisyo ng makapangyarihang Pilipino sa maanomalyang kontrata sa DepEd.

Hindi wasto at katanggap-tanggap ang binabanggit ko J.C. Palabay?

Post navigation

Previous Cleanse inside and out during the Holidays with Organique Acai Premium Blend
Next Manila Bay Dolomite beach to open Dec 28-29, Jan 4 onwards

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.