Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Huwag magpaloko sa mga kandidatong sagad-saring sinungaling

Ni Bernard Toledo
admin November 30, 2021

NAPAKARAMING Pilipino ang interesado sa magaganap na eleksyon sa Mayo 9, 2022, lalo na sa mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa, dahil inaabangan ng karamihan kung sino ang papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30,2022.

Inaabangan nila kung sinu-sino ang mga pulitikong mananalo sa iba’t ibang puwesto, lalo na sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Bilang isa sa mga interesado, pinakikinggan ko ang mga pangako at pahayag ng mga kandidato na idinadaan sa kanilang binayarang patalastas sa telebisyon.

Pinakikinggan ko rin ang kanilang mga pahayag tungkol sa iba’t ibang isyung ibinabalita sa mga news program sa telebisyon.

Pagkatapos makinig, napapailing na lamang ako kapag halatang-halata na pawang panloloko sa mamamayan ang mga sinasabi ng mga kandidato. Napapailing ako dahil ang mga binabangggit ng mga kandidato sa pagkapangulo at maging sa pagkasenador ay solidong kasinungalingan.

Napakalinaw na pawang walang katotohanan ang kanilang mga pahayag, sapagkat panay imposibleng mangyari at hindi kayang ipatupad kapag sila ay nanalo.

Kahit pa sabihin nating ‘yan ang gusto nilang gawin kapag nanalo sila sa eleksyon ay talagang imposibleng maganap at makamit.

Imposibleng makamit

Talakayin natin ang ilan sa kanilang pangako. Isa mga matingkad na pangako ay ang inihayag ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “babangon ang bayan muli” kung siya ang ang mananalong kandidato sa pagkapangulo.

Malabong mangyari ito dahil mula sa labis na pagbagsak ng ekonomiya ng bansa at ng buhay ng mayorya ng mga Pilipino noong panahon ng diktaduryang paghahari ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos hanggang kasalukuyan ay hindi naman nakabangon ang ekonomiya ng bansa at ang napakarahirap na buhay ng maraming Pilipino.

Totoong tumaas nang padahan-dahan ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas mula sa panahon ni Corazon Aquino hanggang sa unang tatlong taon sa termino ni Pangulong Duterte, subalit hindi nangahulugang totoong umangat at umasenso ang ating bansa at ang mamamayang Pilipino.

Kung mayroon man, ilang piling nilalang lamang ang guminhawa nang husto ang buhay.

Kaya, panloloko ang pangakong babangon ang bayan. Isa pa, paanong mapapamunuan ni Marcos Jr. ang sinasabi niyang pagbangon kung nakasaad sa rekord ng Kamara de Representantes at Senado na napakaraming beses lumiban si Marcos Jr. noong siya ay kasapi pa ng nasabing dalawang kapulungan ng Kongreso, patunay na wala siyang nagawa o ambag man lamang sa pagtaas ng GDP ng bansa.

‘Di totoong umahon sa kahirapan

Wala ring katotohanan ang pangako ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na iaangat niya ang buhay ng mga Pilipino mula sa kahirapan. Sa tagal niyang nanilbihan sa Maynila mula sa pagiging konsehal, bise-alkalde hanggang maging meyor nitong 2019 ay wala naman siyang nagawang mapagpasyang aksyon upang maiahon ang mga mahihirap sa Maynila.

Ang mga drayber ng padyak na nag-aabang araw-araw ng mga pasahero sa likuran ng City Hall ng Maynila ay hindi naman umasenso ang buhay mula nang maging alkalde si Domagoso.

Wala ring naiangat na buhay si Domagoso kahit tig-iisang vendor sa Quiapo, Recto, Avenida at Divisoria. Kaya, mapanloko lamang ang kanyang pangako sa mamamayan. Imposible ring makamit ang mga pangako ni Bise – Presidente Maria Leonor Robredo tulad ng pagkapantay-pantay ng pagtrato sa mga Pilipino dahil hindi niya ito nagawa habang ipinatutupad ang mga proyekto ng kanyang tanggapan mula 2016.

Hindi naman nagawa ni Robredo mula noong 2016 na pantay-pantay na tulungan ang mga mahihirap at nangangailangan ng kanyang tulong, kabilang na ang mga manggagawa. Palyado rin ang kanyang proyekto laban sa kahirapan, sapagkat hindi niya ‘napalaya’ ang sobrang daming mahihirap na mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Kaya, panibagong panlilinlang ang kanyang mga pahayag sa mamamayan. Hindi rin naiiba ang pangunahing pangako ni Senador Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa pagsasaayos ng gobyerno dahil siguradong hindi ito matutupad, sapagkat sa matagal na panahon ng kanyang pagiging senador ay hindi niya nabuwag ang mga ‘sindikato’ ng mga tiwali at korap na opisyal at kawani sa maraming kagawaran at ahensiya ng pamahalaan, kasama na ang Bureau of Customs (BOC) na noo’y lumabas sa midya ang pagkakasangkot umano ng kanyang anak sa ismagling.

Hindi rin nareporma ni Lacson ang Philippine National Police (PNP) na kanyang minsang pinamunuan. Katunayan, hanggang kasalukuyan ay babad pa rin ang PNP sa samu’t saring kabulastugan tulad ng pagiging patong ng ilang opisyal sa iigal na sugal.

Hindi makatotohanang pangako

Kaya, hindi makatotohanan ang pangako ni Lacson sa mamamayan. Maging ang mga pangako ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao laban sa mga magnanakaw sa pamahalaan ay hindi mangyayari.

Ang plano ni Pacquiao na makukulong ang mga tiwali at korap sa pamahalaan matapos ang anim na buwang paglilitis ay napakaimposibleng mangyari. Hindi naiintindihan ni Pacquiao na ang mga magnanakaw ay gumagawa ng maraming aksyon at paraan upang mapatunayang inosente sila mula sa mga kasong isinampa laban sa kanila. Huwag kalimutan ni Pacquiao na ilan sa mga senador at kongresista ay hindi niya kinanti kahit isang beses tungkol sa isyu ng korapsyon at pandarambong.

Kaya, paano niyang mapapaniwala ang mga Pilipino sa kanyang mga ipinapangako.

Hindi kongkretong pangako

Si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go (habang inilalathala ang kolum na ito ay nagpahayag si Go ng pag-atras sa presidential elections) ay walang kongkretong pangako dahil ang ating napapanood sa kanyang patalastas sa telebisyon ay iyong ipinapagawa ni Pangulong Duterte sa kanya kung mananalo siya sa halalan.

Ang patalastas ni Bong Go ay lantarang pagpapakita ng pag-uutos ng isang amo sa kanyang beteranong alalay na ngayon ay nag-aambisyong maging presidente ng Pilipinas makaraang maging senador noong halalang 2019.

Ngunit, walang iniutos si Duterte kay Go na ipagpatuloy ang paglaban, pagsupil at pagsugpo sa katiwalian, korapsyon at pandarambong sa pamahalaan, marahil, baka mahirapan si Bong Go laban dito dahil ang isyu nga lang ng katiwalian at korapsyon sa Department of Health (DOH) ay hindi nito nalabanan.

Ipinagtanggol pa ni Bong Go nang ilang ulit si DOH Secretary Francisco Duque habang sunud-sunod ang mga akusasyion laban dito ukol sa katiwalian at korapsyon sa DOH at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Hindi maipagkakailang napakaraming mga pangako ang mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa na kung susuriing maigi ay matutuklasang pawang mga kasinungalingan mula sa mga sagad-saring sinungalingan na mga pulitiko.

Post navigation

Previous Bong Go withdraws presidential bid in 2022 polls
Next Number coding and truck ban to be reimposed this week

Related Stories

Romualdez Camp: Mabanta arrest about extortion, not media rights
  • Opinion

Romualdez Camp: Mabanta arrest about extortion, not media rights

Human rights lawyer: VP Sara impeachment a ‘stress test’ for Philippine democracy
  • Opinion

Human rights lawyer: VP Sara impeachment a ‘stress test’ for Philippine democracy

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sun, 10 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.