Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

E-Sabong operators dapat managot

Ni Angel F. Jose
admin February 6, 2022

NANANATILING misteryo ang pagkawala ng hindi bababa sa 34 kataong pinaniniwalaang ipinadukot at ipinapatay ng sindikato sa likod ng game-fixing sa larong sabong.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kaugnay ng mga naganap na pagdukot ng mga sabungero sa Maynila at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal – isang pahayag na karaniwan nang palusot para pahupain ang hinanakit ng mga pamilyang sukdulang nakikiusap na makita man lang ang kanilang padre de pamilya, patay man o buhay.

Ang totoo, sadyang nakaaalarma ang pagkawala ng mga sabungero lalo pa’t naiipit lamang sila sa dalawang nag-uumpugang batong kinatatayuan ng dalawang gambling lords.

Bulong ng ating kaibigan sa punong himpilan ng pulisya, game-fixing ang nakikitang dahilan sa pagkawala ng mga naturang indibidwal.

Kwento pa niya, lumalabas na sangkot ang mga dinukot na kalalakihan sa bulilyaso sa palaro.

Ang modus – paglalarga ng tsopeng manok sabay pusta sa kabila ng taong nag-utos sa kanilang magbitaw.

Sa totoo lang, walang maglalakas loob na gawin ang pilipit na diskarte kundi rin lang ipinag-utos ng nagpapalaro.

Sa tala ng pulisya, 10 katao ang dinukot sa magkahiwalay na insidente sa Laguna, anim na Maynila, walo sa Rizal at ang pinakahuli ay ang pagdukot ng 10 indibidwal sa Bulacan.

Ang siste, ayaw makipagtulungan ng mga prominenteng personalidad at maging yaong mga itinuturing na saksi sa mga nasabing insidente – pahiwatig na tila walang mangyayari sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, gayundin sa hangad na makita pa ng mga naulila ang kanilang padre de pamilya.

Sa puntong ito, higit na angkop na suspendihin muna ang operasyon ng dalawang prominenteng gambling lord sa likod ng nakaka-adik na e-sabong. Bukod sa 34 kataong dinukot, may sapat na dahilan ang gobyerno para rebisahin ang kanilang mga prangkisa lalo pa’t bukas maging sa mga kabataan ang palarong may kalakip na pustahan gamit lamang ang mga gadgets at cellphones na karaniwang gamit ng mga kabataan.

Isa lang ang tiyak – walang mabuting dulot ang e-sabong at iba pang uri ng sugal na kinahuhumalingan ng mga Pinoy.

Post navigation

Previous More than 200k PNP personnel to receive performance bonus
Next Cannabis in vape, gummy candies intercepted, 1 arrested

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 30 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.