Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Dorobong haciendero

Ni Angel F. Jose
admin November 28, 2021

HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit halalan, sinasamantala naman ng isang sindikato ang pagbabakod ng mga lupain sa bulubunduking bahagi ng baybaying bayan ng Binangonan, sa lalawigan ng Rizal.

Katwiran ng sindikatong pinamumunuan ng umano ng mag-asawang nakabase sa Cardona, Rizal, sa kanila ang buong Binangonan – ang maging ang malaking bahagi ng mga karatig-bayan. Pati ang lupang kinatitirikan ng bahay pamahalaan, sa kanila daw yan!

Batay sa pagsasaliksik, kilalang nakaririwasa ang pamilyang Guido. Taong 1991 nang maglabas ng desisyon ang Korte Supreme sa 7,000 ektaryang higit na kilala bilang Hacienda de Angono na bumabagtas sa mga bayan ng Cardona, Binangonan, Angono at Taytay. Ayon sa Korte Suprema sa mga Guido ang Hacienda de Angono.

Bagama’t kinatigan ang kanilang karapatan sa 7,000-ektaryang lupain, hindi naman ito nangangahulugang sila na ang may-ari ng buong bayan ng Binangonan na may sukat na 7,270 ektarya, Angono na may sukat 2,300 ektarya, Taytay na 3,880 ektarya at Cardona na mayroon namang 3,115 ektarya.

Ang siste, marami sa kanilang lupa ay kanila nang naibenta sa mga pribadong kumpanya at maging sa mga dukhang minsang nangarap magkaroon ng sariling tahanan, bagay na kanilang itinanggi matapos nilang makuha ang kabayaran. Hindi lamang isa ang dumaing sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at maging sa mga husgado kung saan hanggang ngayon’y nakabimbin ang mga asunto.

Mayroon din namang mga kasong napagpasyahan na ng korteng pumanig sa mga muntik nang madorobo.

Ang masaklap, pati ang iba pang titulado, binabakuran na ng sindikato – bagay na idinulog sa pulisya na agad namang rumesponde bilang tugon sa kanilang mandato.

Ang problema, nabahag ang buntot ng mga pulis at iniwan ang mga kawani ng munisipyo matapos makita ang hindi bababa sa 40 armadong gwardiyang kinontrata ng sindikato.

Susmaryosep!

Nang makarating sa kinauukulan ang insidente, agad na naglabas ng direktiba ang punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) – sibak sa pwesto pati ang hepe.

Yan ba ang kalidad ng mga pulis na karaniwang takbuhan ng mga na-agrabyado?

Hindi ba’t bahagi ng kanilang mandato ang protektahan ang mga mamamayan at pairalin ang batas nang walang kinikilingan at pinangingilagan? Hahayaan na lang ba ng PNP na maghari-harian ang hacienderong dorobo?

Kung hindi kaya ng PNP, pwede naman sigurong pasukan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) para tuluyan nang tuldukan ang pang-aagrabyado sa hanay ng mga negosyante at mga pobreng mamamayang ang tanging kasalanan ay mangarap na bigyan ang pamilya ng sariling tahanan.

Post navigation

Previous No new Covid-19 cases recorded in Pampanga’s 3 cities
Next Additional funds for health workers who contracted Covid-19 released; hailed in Senate

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.