Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Dorobong anak ng huwes

Ni Angel F. Jose
admin January 18, 2022

HINDI na bago ang tinatawag na “hoodlum in robes” sa mga husgado kung saan may kumikitang kabuhayan sa likod ng mga inaareglong asuntong tulad ng nangyari sa isang negosyanteng hiningan ng P5 milyon sa pangakong iaabswelto ang kaso.

Ito ang kwento ng anak ng isang huwes sa Makati Regional Trial Court (RTC) na ang lakad ay kumausap ng mga akusadong pangangakuan ng absuwelto gamit ang pangalan ng kanyang amang humahawak ng kasong isinampa laban sa isang lehitimong negosyante.

Ang siste, hindi naman pinlano o hinanap ng akusado ang serbisyo ng isang areglador sa kinakaharap na kaso sa paniwalang mananaig ang totoo.

Dangan naman kasi, siya ang idiniin sa salang wala naman siyang kinalaman.

At dahil kumbinsidong mababasura naman ang kaso, walang puknat siyang dumadalo sa mga pagdinig na ipinatatawag ng husgado.

Sa kalagitnaan ng paglilitis, lumapit sa akusado ang isang taong tawagin nating Joey. Paandar ni Joey, anak siya ng judge na siyang dumidinig ng asuntong may kaugnayan sa isang proyekto sa gobyerno. Dito na pumasok ang alok ng “tulong” kapalit ang “kapirasong konswelo.”

Tama, hindi hiningi ng akusado ang tulong dahil kumbinsido naman siyang siya’y mapapawalang-sala.

Pero dahil negosyante, napagtanto niya marahil na malaking abala sa kanyang hanapbuhay ang kinakaharap na kaso – ang resulta, sinang-ayunan na rin niya ang alok na “tulong.”

Laking gulat niya sa halaga kapalit ng tulong – tumataginting na P5 milyon, bagay na kanyang pinag-isipan.

Sa kanyang pagtataya, mas malaki ang mawawala sa abalang dulot ng kaso kaya naman pumayag at ibinigay na rin niya bandang huli ang salaping iniabot niya mismo sa diumano’y anak ng huwes.

Ang siste, hinatulan siya ng korte nito lamang nakaraang Nobyembre.

Sa madaling salita, nadorobo siya ng nagpakilalang anak ng huwes-teng na si Joey.

Nang lumabas ang hatol, kinontak siya ni Joey at nangakong ibabalik ang pera. Matapos ang tatlong buwan, puro pangako lang ang ibinalik ng dorobong fixer sa husgado. Hindi pa dun natapos ang panloloko, muli siyang pinangakuang aaregluhin na lang ang asuntong isinampa sa Court of Apeals sa pag-asang bubusisiin ang merito ng kaso.

Ang dorobo nga naman, walang kasawaan. Hangga’t may nakikita, arya lang ng arya.

Post navigation

Previous BI agents nab Taiwanese fugitive wanted for forgery
Next Omicron cases now in 15 NCR areas

Related Stories

Move To Dismiss Case Without Trial Seen As Sign Of Fear — Critics
  • Opinion

Move To Dismiss Case Without Trial Seen As Sign Of Fear — Critics

Imee Marcos caught off guard by colleagues’ sharp criticism
  • Opinion

Imee Marcos caught off guard by colleagues’ sharp criticism

Cayetano’s Failure: How Senate Leadership Enabled Bato’s Escape
  • Opinion

Cayetano’s Failure: How Senate Leadership Enabled Bato’s Escape

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 10 Jun.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. castor Valdez on Gatchalian to preside over VP Sara impeachment trial; Senate resumes work
  2. experienced on Two PL solons resign from House; names removed from official roster

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.