Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Bulilyasong nominado sa Kamara magtatago

Ni Angel F. Jose
admin February 13, 2022

SADYA yatang nauuso ang pagsabak sa pulitika ng mga taong sangkot sa bulilyaso sa paniwalang hindi sila masasaling ng batas kung sila’y nasa pwesto.

Patunay nito ang isang nominado ng isang partylist group na kalahok sa halalan sa Mayo.

Sa isang dokumentong nakalap mula sa Palasyo, lumalabas na nakalusot sa mahigpit na panuntunan ng Commission on Elections (Comelec) ang isang Venus Emperado na ngayon ay first nominee ng ipaTUPAD partylist group.

Kung tutuusin, maganda naman ang layunin ng naturang grupong hangad ay maging tinig ng mga obrerong Pilipino.

Hindi biro ang maging kinatawan sa Kongreso, kaya naman higit na kailangang salain ng Comelec ang mga nominado, bagay na tila nawaglit sa kaso ni Apas. Dangan naman kasi, batay sa malalimang pagsasaliksik, hindi kagandahan ang rekord ng nasabing tao.

Heto pa, tila hindi batid ng second nominee ng nasabing grupo ang track record ng kanilang pangunahing nominado sa Kongreso.

Eh sino ba ang second nominee? Walang iba kundi si Labor Secretary Silvestre Bello! Kabilang sa mga dokumentong nakalap bilang bahagi ng pagkilala kay Binibining Emperado ang isang liham na ipinadala ng isang negosyante sa Palasyo.

Ayon kay Elisa Lee na tumatayong presidente at chief operating officer ng kumpanyang AMOLDTECHPH Corporation, lumiham sila sa Palasyo para idulog ang nasabing nominadong anila’y lumikom ng salapi sa mga overseas Filipino workers gamit ang pangalan ng kanilang kumpanya.

Paglilinaw ni Lee, hindi nila linya pyramiding na diskarte umano ng first nominee pa man din ng naturang partylist group na puntirya ang tatlong pwesto sa Kongreso.

Susmaryosep! Ano bang klase ang ginawang pagsala ng Comelec sa mga lalahok sa halalan sa Mayo?

Sa puntong ito, minabuti kong magsaliksik pa hinggil kay Emperado na dati rin palang OFW.

Aysus, sangkaterba pala ang complainant niya sa bansang Singapore.

Sa dami ng dumulog, minabuti na lang ng gobyerno ng nasabing bansa na isama siya sa mga blacklist pumasok sa naturang estado.

Ang masaklap, tila nais pa yata nitong gamitin kalasag para iwas asunto ang Kongreso lalo pa’t kalakip ng mandato sa Kongreso ay ang immunity sa anumang kaso – hangga’t nasa pwesto.

Sa puntong ito, higit na kailangan ang agarang pagkilos ng Comelec para kalusin ang hindi karapat-dapat sa anumang posisyon sa gobyerno.

Hindi kawalan ng partylist group si Emperado.

Panigurado naman may 2nd, 3rd, at 4th nominees pa naman ang nasabing grupo. Kay Bb. Emperado, hindi po kalasag kontra asunto ang Kongreso.

Post navigation

Previous Gov’t urged to lower PH to Alert Level 1 by March
Next Another big-time hike in fuel prices seen

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.