Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

BBM tutol sa mataas na sahod ng mga manggagawa

Ni Bernard Toledo
admin March 14, 2022

Walang sinasabi at inilalatag si Marcos Jr. o BBM sa mga panayam sa midya na pabor sa mga manggagawa tulad ng umento sa suweldo, pagpapatigil ng kontraktuwalisasyon at iba pa. Kahit sa pangagampamya ni BBM ay wala itong binabanggit sa mamamayan na itataas niya ang sahod ng mga manggagawa.

SA lahat ng kandidato sa pagkapresidente sa nalalapit na halalan ngayong taon, si Leody de Guzman ang siguradong kikilos nang tapat at seryoso para maisakatuparan ang kagustuhan ng mga manggagawa tulad ng pagtaas ng sahod, regular na trabaho sa lahat ng mga manggagawa at empleyado at pagkakaroon ng unyon.

Ito’y dahil beteranong lider-manggagawa si De Guzman. Matagal nang tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) si De Guzman.

Sa kabila nito, hindi si De Guzman ang sinuportahan ng Nagkaisa Labor Coalition (Nagkaisa) at ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Si Bise-Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo ang sinusuportahan ng Nagkaisa, samantalang si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. naman ang napiling suportahan.

Nabalitaan ng lahat na si Robredo ay mayroong “kongretong programa” para sa mga manggagawa.

Kaya, solido ang pagkampi ng Nagkaisa sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo ng bansa.

Napakaraming nagtaka at nagulat sa suportang ibinigay ng TUCP kay Marcos Jr. , sapagkat wala naman itong malinaw na plano para sa mga manggagawa kung siya ang manalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.

Walang sinasabi at inilalatag si Marcos Jr. o BBM sa mga panayam sa midya na pabor sa mga manggagawa tulad ng umento sa suweldo, pagpapatigil ng kontraktuwalisasyon at iba pa. Kahit sa pangagampamya ni BBM ay wala itong binabanggit sa mamamayan na itataas niya ang sahod ng mga manggagawa.

Wala kasi sa adyenda ni BBM ang sahod ng mga manggagawa dahil hindi niya mahal, hindi niya minahal at hindi kailangan mamahalin ni BBM ang mga manggagawa.

Kahit itanong ninyo sa mga taong malalapit kay BBM kung may plano bang itaas ni BBM ang sahod ng mga manggagawa at empleyado sa pribadong sektor upang malaman kung totoo o hindi ang sinasabi ko. Kung totoong pabor si BBM sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ay titiyakin ni BBM na mataas at maayos ang pasahod ang mga pribadong kumpanyang napapabalitang ‘malapit’ sa kanya.

Hindi dapat hinahayaan ni Marcos Jr. na patuloy ang paglabag ng mga kumpanyang ito sa paglabag sa batas-paggawa at batas sa minimum na sahod.

Tama po ba Allan Tanjusay ng TUCP?

Hindi dapat patuloy na ginagamit ang coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) bilang palusot sa napakababang suweldo.

Kung totoong hindi tutol si BBM sa mataas na suweldo, patunayan ng mga negosyanteng malapit kay BBM na sila at si BBM ay totoong mahal ang mga manggagawa!

Post navigation

Previous Former US president Obama tests positive for Covid-19
Next Newly-appointed Comelec Commissioner Neri urged to resign

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.